Saturday, March 27, 2010

Kakausapin ko lang ang sarili ko

Magpapaka-emo muna ako sa post na ito.

Pansin ko lang...parang walang kwenta tong buhay ko. Parang feeling ko walang direksyon itong katawang ito na nasa 28 anyos na. Ilang tulog na lang magte-trenta na ako. Ano na nga ba ang nagawa ako sa buhay ko?

Wala.

Alam ko naman ang gusto kong gawin sa buhay. Pero hindi naman lahat ng gusto natin eh nakukuha na lang, kahit pa pagpaguran mo pa yun. Sadyang may mga bagay na hindi talaga laan para sayo, kaya minsan naitanong ko na rin sa sarili ko kung bakit hindi?

Ewan ko ba. Habang binabasa ko itong sinusulat ko, parang walang sense. Parang nagta-type lang ako kasi feel ko at dahil kahit anong kalokohan pwede ko naman i-post dito. Pero hindi talaga ako mapalagay. Parang may isang malaking kulang sa buhay ko.

Alam mo ba yung feeling na ganun? Parang may kulang...pero di mo alam kung ano yun? Tangna, parang sarap iumpog ang sarili mo sa pader.

Minsan naisip ko kung dahil ba ito sa kakulangan ko sa pera? Well, partly. Ipokrito ka na siguro kung ide-deny mo pa na ayaw mo ng konting kaginhawaan sa buhay. Ok fine, part na dun ang pera, pero pag uungkatin ko, parang meron pa na higit pa dun.

Hurrr...ano ba itong kalokohang ito? Makatulog na nga baka kung ano pang ka-jologan ang maisulat ko dito.

Friday, March 26, 2010

Paboritong Lamon ng mga Batugan (aka Gamers)

At dahil na-tag ako ni Darrick, di nako makakapalag. XD


Actually, umiiwas nako sa mga instant food kasi sineseryoso ko na ang pagpapapayat (alam ko hindi obvious kaya wag na kayong umepal). Pero kahit paminsan-minsan na lang ako nakakalaro ng mga MMOs, meron din naman akong mga paboritong lamunin, kahit ba makasalanan pa yung mga trip kong kainin.















Nestle Fitnesse Cereal

Sinabi nang walang papalag eh! Pero seryoso, ito ang kinakain kong almusal araw-araw. Mataas ito sa fiber tsaka masayang kainin kasi feeling mo kumakain ka ng chichirya. Ayus na ayus pa kasi pansin ko araw-araw na ako jumejebs, di tulad ng dati na siguro in a week nakaka-2x or 3x lang ang ako sa banyo.

Yun lang, walang pinipili ang sikmura ko kung san ako abutan ng pagka-jebs.

Anyway, hindi naman tungkol sa mga kadireng stuff itong entry na to. Let's move on.













Nestle Fruit Selection Yoghurt/Yoghurt Drink


Masarap na ka-tandem ng Fitnesse Cereal. Isipin mo na lang na parang ice cream.












Fruit Medley na mabibili sa SM Supermarkets


Oks na oks ang bumili ng isang bandehado nito sa SM na pwede mo ngatain sa meryenda or pwede rin ipansabay sa cereal. Depende kung sang SM Supermarket/Hypermarket/Save More branch ka bumili, iba-ibang fruits ang pwede mong pagsama-samahin.











Brewed Coffee

Hands down, hindi pwedeng mawala ito sa diet ko. Ikamamatay ko kapag walang kape sa buhay ko.















Cheetos

Tutyal! Pero minsan lang ako mag-indulge kapag awang-awa nako sa sarili ko. Pinaka-favorite ko yung Cheddar Jalapeno flavor kasi may konting anghang. Pag feeling evil ako, hindi ko na kinakamay ito...tinutungga ko na! Sarap eh. >:)


Corn Puffs

Una ko itong na-diskubre sa SM Supermarket nung naghahanap ako ng cornik. Nakakasira kasi sa ngipin ang pagnguya ng sobrang matigas na pagkain, kaya naman sinubukan ko ito minsan. Oks naman ang lasa. Merong cheese, garlic at yung plain flavor. Hindi sya ganung kahirap nguyain, at malasa pa. Ang masaya dito eh wala pang bente pesos ang presyo nya. Swak na swak para sa mga chipips na naghahanap ng masarap ngatain sa harap ng computer.















Krispy Kreme Original Glazed Donut + Mocha Coffee Drink or Smooth Blend Coffee


Ito ang da best combo na dessert na mahilig naming pag-pyestahang mag-officemates. Minsan lang ako bumigay kasi tangnang 300+ calories ang isang donut. Kamusta naman yun.

Ok, tigilan na natin to. Lalo lang ako nagugutom. Pakshit.

Sunday, March 14, 2010

Wala ka nang paki kung single ako!

Hindi ko alam kung kina-iinggitan ba ang mga singgols na gaya ko ng mga babaeng may asawa't anak na. Paano naman kasi kung "makasumbat" eh akala mo mga walang pakialam sa mundo at maraming pera ang mga babaeng single.

Urat na urat na ako tuwing mapapag-usapan ng mga tropa ko na "single ka kasi kaya wala kang pino-problema na kelangan mong umuwi ng maaga para sa anak mo" o mga patutsada na "single ka kasi kaya pwedeng-pwede ka mag-travel kahit san mo gusto".

Una sa lahat...


KUNG MAGBUBUNGANGA KA LANG DAHIL WALA KANG PERA AT WALA KANG PANAHON PARA SA SARILI MO, PWEDE BANG IUNTOG MO NA LANG ANG SARILI MO SA PADER?

Kaka-urat talaga. Akala mo walang karapatang magka-problema sa pera at sa oras ang mga babaeng hindi pa nag-aasawa at nag-a-anak. Eh pucha, ginawa mo yan sa sarili mo eh bakit parang sising sisi ka? Kumuha ka nga ng batong ipampupukpok mo sa sarili mo kaya 'wag mo kami idamay sa mga kagagahan mo!

FYI, single ka man o married, bading ka man o straight, lahat tayo nagkaka-problema sa pera. Kaya nga lahat tayo nagta-trabaho. Ano pala sa akala mo? Wala akong magawa sa oras ko kaya napag-isipan kong magtrabaho? Jus ko...kung ganyan din lang eh ayoko na lang mag-asawa. Papasok-pasok ka sa sitwasyong yan, mandadamay ka pa sa kangangawa mo.

Magdusa ka! Che!

Monday, January 25, 2010

Di ka ba makakakain pag walang kasama?

Hindi ba makakain ang ibang tao kapag walang kasama? Apparently, may mga taong ganito, lalo na sa planetang kinalulugaran ko. Di ko maisip bakit kelangan pang may hilahing iba tuwing lunch time, at take note, ipagpipilitan ka talagang isama.

Ako pa naman yung tipo ng tao na kapag sinabing ayoko, eh ayoko talaga. Tsaka bat ako naaatim ko na mag-isa lang mag-lunch? Yung iba parang mamamatay talaga pag walang kasama eh. Duh!

Buti na lang napipigilan ko pa magsalita. Wag lang sana ako abutan ng bugnutin-bitch mode.

Saturday, January 2, 2010

Akala mo bobing, yun pala nuknukan ng tanga!



Kung purgang-purga ka na sa commercial na to, wag mo nang i-click yang bidyo. Pinost ko lang para sa mga masu-swerteng nilalang na di pa nakakapanood nyan.

2010 na. Eleksyon na! Dito natin makikita ang classic example ng kabobohan ng mga Pinoy. Hindi lang dahil nakakasuka na naririnig at napapanood mo itong jingle na to kahit saan, kundi yung punto na ginagawa na namang tanga ang Pinoy tuwing eleksyon. Case in point: Manny Villar.

Kunsabagay ganun naman talaga ang election propaganda: puro mga walang kwentang pangako at pagpapa-bango para sa mga political manwhores and sluts. Daig pa nila yung mga talagang pokpok at call boy. At least sila trabaho na nila yan. Eh tong mga tangnang pulitiko, nagmamalinis na akala mo "para sa bayan" whatever chuvalu, pero alam naman nating lahat ang totoong pakay nila eh. Walang sinabi ang mga rapists na nagkalat sa daan kung pano nila gahasain ang kaban ng bayan. At hindi excempted dito si feeling dats my boy Manny Villar.

Siguro ang redeeming factor lang nya eh yung idea na self-made sya. Ibig sabihin kumayod sya ng todo-todo para marating nya kung san man sya ngayon. Kung nangurakot man yan, eh you have to give him props kasi magaling sya mangurakot. Pero para ibandana nya yung pagiging dating mahirap nya at magsabi ba naman ng mga walang ka-kwenta kwentang pangako na pabahay at kung anu-ano pang ka-chorvahan...ibang usapan na yan.

Feeling ko kasi iniinsulto nya yung mga mahihirap. Aminin na natin kahit sya pa ang pinaka-mayamang tao sa mundo, di nya mabibigyan ng pagkain ang bawat isang Pinoy na mahirap. Hindi posible yun. Tapos syempre yung mga tao aasa sa ibibigay nya, tas pag di natupad, rally dito, rally doon. Nakakasawa na. Nakaka-suka na.

Naisip nyo na ba na businessman tong bwakanang inang pulitiko na to at may posibilidad na unahin nya ang sariling pagpapa-yaman? Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pa yung simpleng tao lang na hindi tinaguriang richest congressman or richest senator. Kasi pag ikaw galing sa mahirap tas yumaman, tanga ka ba na ipamimigay mo lang ang kayamanan mo sa iba? Eh sa lumalabas parang ganun ang pasakalye ni Villar eh. Bobo ka na lang kung paniniwalaan mo sya.

Tunghayan na lang natin ang ilang kapana-panabik na eksena na nagbubunyi sa kabobohan ng mga Pinoy...(oo marami pa yan)


Wednesday, December 23, 2009

Pasko? Paksiw!

Sorry na lang kung may mainis, pero mas naiirita talaga ako sa mga tao ngayon. Di mo akalaing naghihirap ang Pinas sa dami ba naman ng Pilipino na naglipana sa mga malls ngayon. Hindi na nila siguro na-take ang pakikipag-palitan ng mukha sa Divisoria, kaya dedma na lang kung mahal ang presyo sa mall. Pero hindi yun ang kinaiinisan ko.

Nakaka-burat lang kasi kapag ikaw eh sa public transpo lang umaasa, talaga namang isusumpa mo ang walang pakundangang pagtitirahan ng mga mag-aasawang Pinoy kaya parang mga ipis at daga na tayo ngayon sa dami natin! At lalo ngayong Pasko, wala ka talagang choice kundi makipag-gitgitan sa buong sambayanang Pilipinas.

Bwiset talaga pag andito ka sa Maynila.

Hay lord. Umiiyak talaga ako pag nagco-commute pauwi. Tinitiis ko na lang na makipagsiksikan sa kagustuhan kong makauwi kagad. Ang mas nakaka-imbyerna kasi, alam na nga ng karamihan na naglalabasan ang mga tao ngayon. EH BAKIT ANG TAGAL-TAGAL NG INTERVAL NG TREN TAPOS WALA PANG MGA JEEP SA MGA TERMINAL?

Anak ng tokwa, sino ba naman ang matutuwa dun, aber? Minsan, gusto ko na talaga itulak sa riles yung management ng MRT eh. Kitang-kita na nga na nagbi-build up na yung mga tao sa platform, aba...nagka-apo ka na't lahat sa kahihintay, WALA PA RIN. Sila kaya ang patayuin ko ng matagal at may maraming bitbit?

Eto pa: Yung mga tangnang ATM na yan, hindi gumagana! Notorious dito ang BDO. Tangna...biruin nyo...ilang BDO ATM booths ang pinuntahan ko sa SM Megamall. Alam naman natin na maraming ATM dun ng pesteng bangko na yan kasi pag-aari ni Chekwang Lolo Henry Sy yun. Aba, nyeta yan...LAHAT HINDI NAGDI-DISPENSE NG CASH POTA! Sasabunutan mo talaga ang kilay mo sa frustration. Ang masaklap dun, pipila ka ng pagkahaba-haba tapos wala namang sign na nagsasabi na "Oy mga ogag walang pera tong ATM na to, umuwi na lang kayo at magtanim ng kamote."

Wag na lang kayo magtaka kung one day eh mabalitaan nyo na may Echoserang pumatay ng random person sa isang mataong lugar. Makakapag-amok ako ng di oras dito.

Yan ang Pasko...Pinoy style! Mapapa-mura ka....sa pagka-burat!


Sunday, December 20, 2009

MMFF: Magbasa na lang tayo ng libro

Kanina ko pa iniisip kung ano ang una kong o-okrayin sa blog na to, hanggang sa naalala ko na malapit na palang mag-Pasko. Alam nyo naman kung ano ang ibig sabihin nun diba? Hindi ito tungkol sa vacation leave (bwiset talaga pag newbie wala pa akong pesteng VL na pwedeng magamit tae!). Hindi rin ito tungkol sa gifts. Ano pa nga ba kung hindi...

Ang Walang Kakwenta-kwentang Metro Manila Film Festival!

Sa totoo lang, ito ang nagpapa-panget sa Pasko natin. Pano ba naman...pwersado tayong pag-tyagaan ang mga movies na kung hindi comedy (na ang buod eh ang kantyawaan ang mukha/personality/mannerisms ng isang artistang mukhang paa), eh mga dramang sana isinalaksak na lang nila sa local TV (tutal binaboy na rin nila ang local channels, eh di todo-todohin na nila!).

Biruin nyo, mula December 25 hanggang first week ng January kelangan nating sikmurain ang mga palabas na ito. Hindi sa nagfi-feeling elitista ako or what, pero haller naman...kaya andaming bobo sa Pilipinas eh. Puro katangahan ang pinapalabas sa media. Yung mga thought-provoking films ang tawag eh "indie". Pucha...mas mabuti pa yung low funded flicks na yan kesa sa mga milyones na pelikula na maduduwal ka naman sa sobrang korni at jologs. Kaya rin dumadami ang jologs kasi dumadami ang mga bobo. Ad infinitum.

Kung di mo pa nage-gets ang punto ko, eto ipapaliwanag ko sa pagmumukha mo. Eto lang naman ang titiisin mong movies:



Nobody Nobody But Juan
Starring: Dolphy, Eric Quezon, G Toengi

Pilit pa ring sinasaid ang comedy factor ni Dolphy. Eh di naman ako natatawa sa mga kalokohan nya. Syempre ang comedy relief dito yung mga exaggerated acting ng mga artista dito. Samahan mo pa ng mga matatandang mukhang multo, at yung tear-jerking factor na yung main character na matanda nasa Tate na naho-homesick...isa na itong recipe for jologsness. At dahil may Willie Revillame factor pa, umaatikabong kalokohan pa ito.

Hindi ko rin alam kung wala na bang maisip na title yung mga writers at producers ng pelikulang ito. Akalain mo ba namang i-pangalan pa sya sa isang Korean song na nakakaumay nang pakinggan. Juskoday! Siguro nag-syaping lang ang mga 'to sa US.



Mano Po 6: A Mother's Love
Starring: Sharon Cuneta

Dinaig pa ang trend ng trilogies! Umabot ng 6 sequels ang movie na itech, at feeling ko may apo na tayong lahat, may Mano Po 50 na! Kaloka! Baka naman pati apo sa tuhod gagawan nila ng pelikula? Halata pa na pina-singkit yung mata. Hahahaha. Kaka-lurkey!



Panday
Starring: Bong Revilla

Dapat pinagbabawal na ang mga artistang government official na gumawa ng pelikula kapag nasa pwesto sila. Sayang ang oras na ginugol ni Bong Revilla para gawin ang pelikulang ito instead na gawin nya ang trabaho nya bilang senator. Senador pa namang naturingan eh. Kunsabagay, ewan ko kung nararamdaman nyo na may ginawa syang significant sa buong term nya.

Tsaka teka...pang-ilang Panday na ba ito? Nakaka-umay na!



Ang Darling Kong Aswang
Starring: Vic Sotto, Christine Reyes

Title pa lang, gusto ko nang isuka yung hapunan ko. Ayoko nang bawasan ang brain cells ko kakaisip ng ipapang-okray dito. Not worth it.

Natawa lang ako sa comments ng mga tao sa YouTube vid na to. May nagalit na bakit daw kinukumpara sa Hollywood (crab mentality daw). Tapos pag-scroll down mo,may nagsabi nito: "Natural di pang-Hollywood ung grafix. Third world country tol, THIRD WORLD! babaan nu standards nu."

Koya, kung sino ka man, sarap basagin ng itlog mo. Ikaw ang siraulo. No wonder paurong ang Pilipinas.



Wapakman
Starring: Manny Pacquiao, Rufa Mae Quinto

PANGINOON KO SANA ILIGTAS MO PA RIN PO ANG PILIPINAS PARANG AWA MO NA! San ka nakakita ng contrabida sa pelikula na: a woman with supersonic breasts. ANAK NG KALABAW! End of the world na talaga ito.

Meron pang 2 movies na kina-Kris Aquino at Marian Rivera, kaso di ko pa napapanood yung trailer. Pero sa pangalan pa lang, ewan ko na lang.


Siguro kung ako ang tatanungin, ang masisikmura ko pa dyan yung Mano Po. Pero kung ganyan kababaw at ka-rhetoric yung mga messages at themes ng mga movies sa MMFF, di bale na lang. Pamasahe rin yung gagastusin ko sa sine. Either that, o pondohan nyo ng maayos yung mga indie films. Mas may sense pa ang mga yun eh.

Payo ko sa inyo mga kapatid...magbasa na lang kayo ng libro. Mas lalawak pa ang vocabulary nyo. Pramis.