Saturday, March 27, 2010

Kakausapin ko lang ang sarili ko

Magpapaka-emo muna ako sa post na ito.

Pansin ko lang...parang walang kwenta tong buhay ko. Parang feeling ko walang direksyon itong katawang ito na nasa 28 anyos na. Ilang tulog na lang magte-trenta na ako. Ano na nga ba ang nagawa ako sa buhay ko?

Wala.

Alam ko naman ang gusto kong gawin sa buhay. Pero hindi naman lahat ng gusto natin eh nakukuha na lang, kahit pa pagpaguran mo pa yun. Sadyang may mga bagay na hindi talaga laan para sayo, kaya minsan naitanong ko na rin sa sarili ko kung bakit hindi?

Ewan ko ba. Habang binabasa ko itong sinusulat ko, parang walang sense. Parang nagta-type lang ako kasi feel ko at dahil kahit anong kalokohan pwede ko naman i-post dito. Pero hindi talaga ako mapalagay. Parang may isang malaking kulang sa buhay ko.

Alam mo ba yung feeling na ganun? Parang may kulang...pero di mo alam kung ano yun? Tangna, parang sarap iumpog ang sarili mo sa pader.

Minsan naisip ko kung dahil ba ito sa kakulangan ko sa pera? Well, partly. Ipokrito ka na siguro kung ide-deny mo pa na ayaw mo ng konting kaginhawaan sa buhay. Ok fine, part na dun ang pera, pero pag uungkatin ko, parang meron pa na higit pa dun.

Hurrr...ano ba itong kalokohang ito? Makatulog na nga baka kung ano pang ka-jologan ang maisulat ko dito.

0 comments:

Post a Comment