Sunday, March 14, 2010

Wala ka nang paki kung single ako!

Hindi ko alam kung kina-iinggitan ba ang mga singgols na gaya ko ng mga babaeng may asawa't anak na. Paano naman kasi kung "makasumbat" eh akala mo mga walang pakialam sa mundo at maraming pera ang mga babaeng single.

Urat na urat na ako tuwing mapapag-usapan ng mga tropa ko na "single ka kasi kaya wala kang pino-problema na kelangan mong umuwi ng maaga para sa anak mo" o mga patutsada na "single ka kasi kaya pwedeng-pwede ka mag-travel kahit san mo gusto".

Una sa lahat...


KUNG MAGBUBUNGANGA KA LANG DAHIL WALA KANG PERA AT WALA KANG PANAHON PARA SA SARILI MO, PWEDE BANG IUNTOG MO NA LANG ANG SARILI MO SA PADER?

Kaka-urat talaga. Akala mo walang karapatang magka-problema sa pera at sa oras ang mga babaeng hindi pa nag-aasawa at nag-a-anak. Eh pucha, ginawa mo yan sa sarili mo eh bakit parang sising sisi ka? Kumuha ka nga ng batong ipampupukpok mo sa sarili mo kaya 'wag mo kami idamay sa mga kagagahan mo!

FYI, single ka man o married, bading ka man o straight, lahat tayo nagkaka-problema sa pera. Kaya nga lahat tayo nagta-trabaho. Ano pala sa akala mo? Wala akong magawa sa oras ko kaya napag-isipan kong magtrabaho? Jus ko...kung ganyan din lang eh ayoko na lang mag-asawa. Papasok-pasok ka sa sitwasyong yan, mandadamay ka pa sa kangangawa mo.

Magdusa ka! Che!

1 comments:

Kat said...

Amen to that sister! Hahaha. Lahat tayo may kanya kanyang problema sa pera at sa oras. Hindi porque wala tayong asawa at anak, doesn't mean wala tayong responsibilities. I suppose it's easier for us to let go nun pero since we're good, responsible women, hindi. Hehe.

Feeling ko, yung mga madalas magsabi nun, hindi nila na-maximize yung singlehood nila.

Post a Comment