Monday, January 25, 2010

Di ka ba makakakain pag walang kasama?

Hindi ba makakain ang ibang tao kapag walang kasama? Apparently, may mga taong ganito, lalo na sa planetang kinalulugaran ko. Di ko maisip bakit kelangan pang may hilahing iba tuwing lunch time, at take note, ipagpipilitan ka talagang isama.

Ako pa naman yung tipo ng tao na kapag sinabing ayoko, eh ayoko talaga. Tsaka bat ako naaatim ko na mag-isa lang mag-lunch? Yung iba parang mamamatay talaga pag walang kasama eh. Duh!

Buti na lang napipigilan ko pa magsalita. Wag lang sana ako abutan ng bugnutin-bitch mode.

Saturday, January 2, 2010

Akala mo bobing, yun pala nuknukan ng tanga!



Kung purgang-purga ka na sa commercial na to, wag mo nang i-click yang bidyo. Pinost ko lang para sa mga masu-swerteng nilalang na di pa nakakapanood nyan.

2010 na. Eleksyon na! Dito natin makikita ang classic example ng kabobohan ng mga Pinoy. Hindi lang dahil nakakasuka na naririnig at napapanood mo itong jingle na to kahit saan, kundi yung punto na ginagawa na namang tanga ang Pinoy tuwing eleksyon. Case in point: Manny Villar.

Kunsabagay ganun naman talaga ang election propaganda: puro mga walang kwentang pangako at pagpapa-bango para sa mga political manwhores and sluts. Daig pa nila yung mga talagang pokpok at call boy. At least sila trabaho na nila yan. Eh tong mga tangnang pulitiko, nagmamalinis na akala mo "para sa bayan" whatever chuvalu, pero alam naman nating lahat ang totoong pakay nila eh. Walang sinabi ang mga rapists na nagkalat sa daan kung pano nila gahasain ang kaban ng bayan. At hindi excempted dito si feeling dats my boy Manny Villar.

Siguro ang redeeming factor lang nya eh yung idea na self-made sya. Ibig sabihin kumayod sya ng todo-todo para marating nya kung san man sya ngayon. Kung nangurakot man yan, eh you have to give him props kasi magaling sya mangurakot. Pero para ibandana nya yung pagiging dating mahirap nya at magsabi ba naman ng mga walang ka-kwenta kwentang pangako na pabahay at kung anu-ano pang ka-chorvahan...ibang usapan na yan.

Feeling ko kasi iniinsulto nya yung mga mahihirap. Aminin na natin kahit sya pa ang pinaka-mayamang tao sa mundo, di nya mabibigyan ng pagkain ang bawat isang Pinoy na mahirap. Hindi posible yun. Tapos syempre yung mga tao aasa sa ibibigay nya, tas pag di natupad, rally dito, rally doon. Nakakasawa na. Nakaka-suka na.

Naisip nyo na ba na businessman tong bwakanang inang pulitiko na to at may posibilidad na unahin nya ang sariling pagpapa-yaman? Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pa yung simpleng tao lang na hindi tinaguriang richest congressman or richest senator. Kasi pag ikaw galing sa mahirap tas yumaman, tanga ka ba na ipamimigay mo lang ang kayamanan mo sa iba? Eh sa lumalabas parang ganun ang pasakalye ni Villar eh. Bobo ka na lang kung paniniwalaan mo sya.

Tunghayan na lang natin ang ilang kapana-panabik na eksena na nagbubunyi sa kabobohan ng mga Pinoy...(oo marami pa yan)